Wednesday, April 2, 2014

MGA MAKASAYSAYANG SIMBAHAN SA PILIPINAS

BASILICA DE SAN MARTIN DE TOURS


Itinayo noong 1865 ang Basilica de San Martin de Tours sa Taal, Batangas. Ito ang pinakamalaking simbahang Katoliko sa Asya. Orihinal pa rin ang pader nito na gawa sa adobe.

Nagpoprotesta ang ilang residente ng Taal laban sa pamunuan ng simbahan dahil umano sa hindi maayos na preserbasyon nito. Pinangungunahan ng iskultor at architect na si Ramon Orlina ng Taal Church Historical Authentic Restoration Movement ang protesta laban kay Bishop Jose Salazar ng Taal Basilica.


ST. JOSEPH PARISH CHURCH


Rurog” o “kalansay” sa Tagalog – ganito inilarawan ni Marjorie Baquiran, presidente ng Parish Pastoral Council, ang St. Joseph Parish Church sa Dingras, Ilocos Norte. Itinayo ang Dingras Church noong 1500s. Noong 1987 ito napabilang sa listahan ng historic sites ng NHCP. Halos limang dekada nang sira ang simbahan.

Makailang ulit nang napinsala ng lindol at sunog ang Dingras Chirch, at minsan na rin itong tinamaan ng kidlat. 1938 nang huli itong napinsala ng lindol.



IMMACULADA CONCEPTION CHURCH



Isang National Cultural Treasure ang simbahan ng Immaculada Conception sa Balayan, Batangas na mahigit 400 taon nang nakatayo.

Ayon sa batas, kailangan aprubado ng NHCP ang pagtatayo ng mga istruktura sa lupang sakop ng National Cultural Treasure. Subalit noong 2012, isang fast food chain ang itinayo sa gilid ng simbahan na tinutulan ng ilang residente at ng NHCP.

“Sa pagpasok ng mga istrukturang ito ay somehow kabawasan doon sa kaisipan ng buong church ground na supposedly quiet and peaceful so sa pagkakalagay nga niyan medyo nawala na doon, nakabawas,” sabi ni Ruel Rival, history teacher sa Immaculate Conception College.






No comments:

Post a Comment